Frathouse


“FRATHOUSE”
By Lord Dr. Sherwin Durante Pontanilla

Maraming taon na
ang nakalipas at nagdaan,
mula nang ang apartment na ito
ay gawing sisidlan
ng isang kapatiran
ng mga kalalakihan
mula sa UST-Med,
bansag sa kanila’y Gamman.

GBE Frathouse
ito’y binansagan,
dito kung saan
Brods ang naninirahan;
at tuwing Biyernes naman
ay pinagmimitingan,
Ngunit di lang yan
ang kanyang nasaksihan…

Mga unos at problema
dito’y pinagdaanan;
mga iringan at pagtatalo,
may sagutan man o batuhan.
Marami na rin
dito’y nagbatian;
lahat ng yan
kanyang nasaksihan.

Oras ay di alintana
sa ilalim ng kanyang bubungan,
siya’y naging saksi
sa aking tagumpay at kapalpakan;
mula nung umpisa
estudyante pa lamang,
hanggang ngayon heto’t
may M.D. na ang pangalan.

Hinding-hindi kalilimutan
itong aking pinagmulan;
mula baptismal, initiations,
hanggang maging isang Gamman.
Dito ko nakilala
mga brods ng nakaraan,
at patuloy na nakikilala
mga bagong saltang Gamman.

Kaya ang aking pakiusap,
huwag nating pababayaan
itong ating frathouse,
ang tahanan ng mga Gamman.
Kung hindi, wala na tayong
babalik-balikan;
Kaya please lang huwag kalimutan
ANG RENTA AY BAYARAN!